Thursday, April 16, 2009

sintunado.

sintunado daw ako. tuwing ako'y umaawit. laging na-o-off key, nauuna o nahuhuli man sa mga nota ng kanta. pag dating naman sayo, bakit ganun, lagi mong sinasambit na nasa tono ako, na may tono ako. ang hirap, balibaliktarin ko man, hindi ko padin masabi ng tama ang mga nasa isipan ko. ang konsert sa utak ko, kahit ilang beses na ang pinagdaanang rehearsals, eh laging mali ang labas. para bang nagiging isang bangunguot ang lahat. lagi ko tuloy hinihiling na sana matapos na ang kanta. sana para sa susunod na set na lang ako babawi. itigil na ang kanta, hindi ko na abot ang nota.

No comments:

Post a Comment