Monday, April 03, 2006

April na pala!

April na! Ang bilis talaga ng oras... pero wala pa rin me nagagawa. huhuhu... Ibang level ng katamaran ang bumabalot sa aking katauhan. Hehehe... Pero I'm still trying na gumawa ng kahit isang productive na bagay everyday. Ang dami kasing naka-pile up na work na hindi mo na malaman saan ka magsta-start. Konting tulog na lang at pasukan na naman... ang exagge ko noh! Kasi panu feeling ko I've got all the time in the world and yet ang bilis matapos ng araw. Parang konti pa lang nagagawa ko eh tapos na naman... kailangan na ulit magpahinga. Konti lang ang time para sa ibang bagay... nauubos lahat sa mga routine ng ginagawa (kain, tulog, linis,ligo...) Na pagnatapos mo na ang tinatamaan ka na ng katamaran. Ano ba talaga ang ginagawa pag-summer? Time ba to para magrelax and have fun? ayusin lahat ng gulo na ginawa in the past school year? maganatay sa errands ng parents? alone time ba to para makapagisip? family time? time para makipag-socialize? time para mag-reunite with old friends? tell me... ano ba talaga... Ginagawa ko bang complicated???

Siguro ang summer ay time para sa kahit anong gusto ng isang tao... iba-iba naman tayo so malamang iba-iba din ang ating priorities sa buhay. Kung ano man ang trip nyong gawin this summer... go ahead... basta walang sisihan sa huli na wala na namang saysay ang naging summer mo... ok? So guys ang gals... HAVE FUN THIS SUMMER! :)

No comments:

Post a Comment