Thursday, March 19, 2009

second best

kung ika'y papipiliin

kung ako o sila...?

marahil ang sagot ko nung makalawa

ay siyempre ako.

ano pa nga ba?

pero bigla akong natauhan

na niloloko ko lang pala ang sarili ko.

ilang buwan na ba tayong di nagkikita?

ilang linggo? ilang araw?

ilang minuto? ilang segundo?

sa isang taon na nakalipas,

ilang beses pa lang ba tayong nagkita?

isa.

oo, isa.

at malamang ang ibig lamang ipahiwatig nito,

ay di na ko parte ng mundong ginagalawan mo.

mahirap tanggapin. magkaiba na pala tayo.

magkaiba na.

nahihirapan ka nang isiksik ako sa puno mong schedule.

tanggap ko na.

sana masaya ka.

sana minsan sa isang taon, 

maalala mo pa din ang pinagsamahan natin.

at kung sakaling iwan ka nila,

o di kaya'y nagsawa na kayo sa isa't isa,

andito pa din ako.

tatanggapin ka ng walang pasabi.

ngingiti lang ako, tulad ng dati.

sabay sabi: oi musta na?

namiss kita...

No comments:

Post a Comment